Babaeng nakagapos ang kamay at paa natagpuan sa Zambales

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 12:58 PM SHARE(S):

Natagpuan sa San Felipe, Zambales ang nakagapos na katawan ng isang babae, Miyerkules (Sept. 11) ng umaga.

Nakita ang hindi pa nakikilalang babae sa national highway ng San Felipe.

Ayon sa mga pulis, nasa pagitan ng edad 35 at 40 ang babae na may taas na 5’2 hanggang 5’4.

Nakasuot ng asul na pants at walang suot na pang-itaas ang babae, may balot din na garbage bag ang mukha ng biktima.

Mayroon itong tattoo sa likuran.

Nakatali ang mga kamay at paa ng babae.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

TAGS: san felipe, summary execution, zambales, san felipe, summary execution, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.