Mga kapwa kongresista hinimok ni Rep. Castelo na bigyan ng emergency powers si Pangulong Duterte upang matugunan ang traffic

Umapela si Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa mga kasamahan sa Kamara na bigyan na ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para lumuwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Castelo, vice chairman ng House Committee on Metro Manila Development, lahat ng posibleng paraan ay ginawa ng gobyerno para labanan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko subalit wala pa rin nangyari.

Napapanahon na aniya para bigyan ng kapangyarihan ang pangulo na tatapos sa paghihirap ng mga Filipino dahil sa traffic.

Tanging ang emergency powers lamang uano ang mag aalis sa mga pangunahing sagabal para malayanag maipatupad ang Build, Build Build program ng gobyerno at mapalakas ang political will sa pag-aalis sa mga nakaharang sa mga lansangan.

Paliwanag pa ni Castelo na sa pamamagitan ng emergency powers ng pangulo, ay mahigpit na maipapatupad ang traffic rules at ang mga subdivision na nai-donate na sa local governments ay mabuksan para sa mga motorista.

Pinawi naman ng kongresista ang pangamba ng iba na posibleng maabuso ang emergency powers dahil lahat naman ng gagastusin dito ay sasailalim sa accounting at auditing.

Read more...