Klase sa 6 na bayan sa Biliran suspendido dahil sa masamang panahon

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 12:39 PM SHARE(S):

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa anim na bayan sa lalawigan ng Biliran.

Ito ay bunsod ng pag-ulang nararanasan dulot ng paparating na bagyong Marilyn.

Kabilang sa nagsuspinde ng klase ay ang mga bayan ng Almeria, Culaba, Kawayan, Caibiran, Biliran at Naval.

Sa walong bayan sa Biliran, tanging ang mga bayan lang ng Maripipi at Cabucgayan ang hindi nagkansela ng klase.

Nakaalerto na ang mga bayan sa Biliran sa posibleng pagbaha at landslides bunsod ng malakas na buhos ng ulang nararanasan.

Simula umaga ng Miyerkules, Sept. 11 ay inuulan na ang mga bayan sa Biliran.

TAGS: Almeria, Biliran, Caibiran, class suspension, Culaba, Kawayan, naval, Tropical Depression, walangpasok, Almeria, Biliran, Caibiran, class suspension, Culaba, Kawayan, naval, Tropical Depression, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.