Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa Tacloban City sinuspinde dahil sa sama ng panahon

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 12:06 PM

Sinuspinde ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang pasok sa tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa mga paaralan dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa lungsod.

Sa bisa ng Executive Order na nilagdaan ni Romualdez, ang suspensyon ay epektibo mula 1:00 ng hapon ng Miyerkules, Sept. 11.

Mananatili namang may pasok sa mga tanggapan ng gobyerno na may kaugnayan sa peace and order, disaster risk management, health at sanitation at traffic management.

Inatasan din ni Romualdez ang City Disaster Risk Reduction and Management Office at ang Tacloban City Rescue Unit na maging alerto sa maaring maidulot ng paparating na bagyo at ng Habagat.

TAGS: City Disaster Risk Reduction and Management Office, Tacloban City, Tacloban City Rescue Unit, walang pasok, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Tacloban City, Tacloban City Rescue Unit, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.