73 anyos na napalaya dahil sa GCTA sumuko sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 11:19 AM

Isang 73 anyos na lalaki na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang kusang sumuko sa mga otoridad sa Ibaan, Batangas.

Ayon sa Calabarzon police regional office, nagtungo sa police station sa Ibaan, Batangas ang nakalayang preso alas 4:00 ng hapon ng Martes, Sept. 10.

Sinamahan siya ng kaniyang anak na babae.

Ang sumukong preso ay nahatulan sa kasong murder noong April 1, 1997.

Sa pamamagitan ng GCTA, ang sentensya niya ay napababa at nakalaya siya mula sa National Bilibid Prison noong June 22.

Nakatakdang iturnover sa BuCor ang sumukong bilanggo.

TAGS: Batangas Police, bucor, GCTA, Ibaan, murder convict surrendered in batangas, PNP, Batangas Police, bucor, GCTA, Ibaan, murder convict surrendered in batangas, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.