Isa sa dayuhan na nakalaya sa GCTA nakalabas na ng bansa – DOJ
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na may isang dayuhan na napalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang nakalabas na ng bansa.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni DOJ Spokesperson, Undersecretary Markk Parete na ang nasabing convict ay pinaalis ng bansa kasunod ng deportation order mula sa Bureau of Immigration.
Pero nilinaw ni Parete na hindi kasama sa 4 na Chinese drug lords ang nasabing dayuhan.
Samantala, sinabi pa ni Usec. Parete na ang mga naunang sumuko matapos mapalaya sa bisa ng GCTA ay isasailalim sa “re-evaluation” at agad rin na palalayain kung karapat-dapat sila sa nasabing batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.