Pagkamatay ng pasahero sa biyahe ng PAL mula Canada pinaiimbestigahan na

By Jimmy Tamayo September 11, 2019 - 10:43 AM

Pinaiimbestigahan na ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) ang pagkasawi ng isang 63-anyos na babae sa kanilang biyahe patungo ng Maynila mula sa Canada.

Sa impormasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) sakay ang babae ng Flight PR 117 mula Vancouver noong Lunes (Sept. 9).

Ayon pa sa MIAA “cardio-respiratory arrest etiology in end-stage renal failure” ang ikinasawi ng hindi kinilalang babae.

Nabatid pa ng nasabing tanggapan na base sa medical history mayroon itong “breast cancer, with kidney and bone metastasis.”

Aalamin naman ng PAL kung mayroong medical clearance ang pasahero ng sumakay sa eroplano.

TAGS: cardio-respiratory arrest etiology in end-stage renal failure, Manila International Airport Authority, MIAA, philippine airlines, cardio-respiratory arrest etiology in end-stage renal failure, Manila International Airport Authority, MIAA, philippine airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.