LOOK: Cancelled flights ngayong araw, Sept. 11

By Noel Talacay September 11, 2019 - 09:52 AM SHARE(S):

Kanselado ang ilang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, araw ng Miyerkules.

Base sa flight advisory number 1 na inilabas bandang alas-8:00 ng umaga, kanselado ang flight ng Cebu Pacific na may flight number na 5J 821 at 5J 822 na may biyaheng Manila-Virac-Manila.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang pagkansela ng nasabing flight ay dahil sa masamang lagay ng panahon sa destinasyon ng biyahe.

Payo naman ng MIAA sa mga pasahero ng nasabing flight na makipagugnayan sa kanilang airline para sa rebooking.

TAGS: cancelled flights, dotr, MIAA, NAIA, cancelled flights, dotr, MIAA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.