Tatlong drug personalities arestado sa Antipolo

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 09:47 AM SHARE(S):

Arestado ang tatlong lalaki sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Antipolo City.

Isinagawa ang operasyon gabi ng Martes (September 10) ng mga tauhan ng Antipolo City Police Station sa C. Lawis Street, Brgy San Isidro.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina John Ryan Alvarez, 35 anyos; Joseph Alvarez, 58 anyos; at si Kevin Zapanta, 23 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang apat na maliliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang P200 na buy bust money.

Noon Linggo, tatlong drug suspect din ang naaresto ng mga otoridad ng Antipolo City police sa buy-bust operation sa Brgy San Jose.

TAGS: barangay san isidro, buy bust operation, War on drugs, barangay san isidro, buy bust operation, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.