Realignment sa panukalang 2020 budget para tulungan ang mga magsasaka kinumpirma ni Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon September 11, 2019 - 09:30 AM

Kinumpirma ni House Speaker Alan Peter Cayetano na plano nilang i-realign ang dalawang items na nakapaloob sa 2020 proposed national budget.

Partikular dito ang pondo ng National Food Authority (NFA) para sa pagbili ng palay mula sa mga magsasaka na tataasan mula P7 billion patungong P9 billion.

Paliwanag ni Cayetano, kulang na kulang ang P7 bilyon para solusyunan ang krisis sa presyo ng palay na isinisisi sa implementasyon ng Rice Tariffication Law.

Dapat aniyang pakinabangan ng mga magsasaka ang nakolektang taripa ng Department of Finance mula sa rice imports na umaabot sa P9 na bilyon.

Idinagdag pa ng speaker na ikinokonsidera rin nila ang paglalaan ng tig P500 million para sa pagsasaayos ng mga kampo ng PNP at AFP.

Samantala, sinabi naman ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab na hindi napagbigyan ang hirit ng nasa animnapung kongresista na maibalik sa pambansang pondo ang 95 billion pesos na para sana sa district projects ngunit na-veto ni Pangulong Duterte.

Giit ni Ungab, imposible ang gustong mangyari ng mga mambabatas dahil kapag ipinilit ang P95 billion ay matatapyasan ang pondo ng ilang ahensya ng pamahalaan at maaapektuhan ang kanilang operasyon.

TAGS: budget realignment, House of Representatives, nfa, rice tariffication law, budget realignment, House of Representatives, nfa, rice tariffication law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.