Piskal sa Caloocan nakaligtas sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 09:12 AM SHARE(S):

Nakaligtas sa pananambang ang isang piskal sa Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon, kalalabas lamang ni Elmer Susano ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) sa isang restaurant at nasa loob ng kaniyang pickup truck nang siya ay pagbabarilin ng tatlong motorcycle-riding men.

Ayon kay Caloocan City police chief Noel Flores nakatatanggap na ng death threats si Susano bago pa ang insidente.

Nangyari ang pananambang Martes (Sept. 10) ng alas 2:45 ng hapon sa B. Serrano Street kanto ng 9th Avenue.

Pero nagawa ng biktima na sagasaan ang isa sa mga motorsiklo at makapag-mani obra.

Pawang nakasuot ng helmet ang mga suspek na agad nagsitakas m atapos ang insidente.

Isa sa mga tinitignang motibo ay maaring may kaugnayan ang pananambang sa mga kasong hawak ni Susano.

TAGS: ambush, caloocan, Caloocan RTC, fiscal, ambush, caloocan, Caloocan RTC, fiscal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.