Lolo patay sa pananambang sa Albay

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 08:55 AM SHARE(S):

Patay sa pananambang ang isang lolo sa Daraga, Albay.

Ayon kay Police Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police, ang biktima ay nakilalang si Eriberto Lomerio, 64 anyos.

Binaril si Lomerio habang nagmamaneho ng kaniyang tricycle ng nag-iisang suspek sa Barangay Mabini alas 6:40 ng gabi.

Bagaman naisugod pa sa Daraga Doctors Hospital si Lomerio ay idineklara itong dead on arrival.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Albay, ambush incident, Daraga, Albay, ambush incident, Daraga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.