US Embassy sa Kabul, Afghanistan niyanig ng rocket explosion

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 08:34 AM SHARE(S):

Binulabog ng pagsabog ng rocket ang embahada ng Amerika sa Kabul, Afghanistan.

Ito ay kasabay ng paggunita sa 9/11 attack na naganap sa US.

Wala namang nasugatan sa pagsabog na naganap sa compound ng embahada.

Nasa loob ng embahada ang mga empleyado.

Matapos ang malakas na pagsabog ay inanunsyo gamit ang loudspeaker ang mga katagang “An explosion caused by a rocket has occurred on compound.”

Ito ang unang pag-atake sa Kabul simula nang itigil ni US President Donald Trump ang U.S.-Taliban talks noong weekend.

TAGS: Kabul Afghanistan, rocket explosion, Kabul Afghanistan, rocket explosion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.