Pangulong Duterte kay Atty. Jude Sabio: Magsabi ka lang ng totoo

By Chona Yu September 11, 2019 - 08:28 AM SHARE(S):

Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte kay atty jude sabio na magsabi lamang ng katotohanan.

Pahayag ito ng pangulo kay Sabio sa gitna ng pagpapahiwatig ng huli na handa na siyang magsalita laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV.

Sina Sabio at Trillanes ang naghain ng crimes against humanity laban kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court dahil sa madugong anti-drug war campaign.

Si Sabio ang tumatayong abogado sa self-confessed DDS na si Edgar Matobato.

Ayon sa pangulo, hindi niya alam ang dahilan ng pagtalikod ni Sabio kay Trillanes.

Pakiusap ng pangulo kay Sabio, sabihin ang totoo kung magbibigay man ng kanyang testimonya, pabor man o hindi kay Trillanes na ibinabato ngayon ng alegasyong may kinalaman umano sa Bikoy video.

Tinutukoy ng Bikoy video na “Ang Totoong Narcolist” na sangkot umano sa ilegal na droga ang pamilya ni Pangulong Duterte bagay na pinasisinungalingan ng punong ehekutibo.

TAGS: ang totoong narcolist video, Antonio Trillanes IV, edgar matobato, jude sabio, ang totoong narcolist video, Antonio Trillanes IV, edgar matobato, jude sabio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.