WATCH: Mag-ina, 1 pang kaanak patay sa sunog sa Tondo, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 08:11 AM SHARE(S):

Tatlo ang patay sa sunog na naganap sa isang residential area sa Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 6:00 ng umaga sa Honorio Lopez sa Gagalangin.

Umabot lang ng 2nd alarm ang sunog at naideklarang under control alas 6:46 ng umaga.

Pero tatlong katao ang natagpuang walang buhay sa bahay na pinagmulan ng sunog.

Ayon sa Manila Fire Bureau, nakilala ang mga nasawi na sina Mara Beneza, 23-anyos at anak nitong si Leo Lance Tequillo, 4-anyos at Andrei Tequillo, 5-anyos.

Kwento ng kaanak ng mga nasawi na si Michelle Bacanza, na-trap ang mga kamag-anak niya sa loob ng bahay sa kasagsagan ng sunog.

Aabot sa sampung bahay ang natupok.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: 3 dead, fire incident, gagalangin, Radyo Inquirer, Tondo Manila, 3 dead, fire incident, gagalangin, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.