Estudyante arestado matapos magtangkang magpasok ng marijuana sa University of Makati

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 06:25 AM SHARE(S):

Arestado ang isang 2nd year college student matapos tangkaing magpasok ng marijuana sa University of Makati.

Ayon sa gwardya ng unibersidad na si Danilo Benitez, nag-iinspeksyon siya ng gamit ng gma mag-aaral nang makita ang kahina-hinalang bagay sa gamit ng 23 anyos na estudyante.

Nang busisiin ay nakita ang marijuana na nakabalot sa yellow pad paper.

May nakuha rin sa bag ng suspek na isang glass tube na mayroong trace ng hinihinalang marijuana.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang estudyante.

TAGS: Marijuana, student arrested, University of Makati, Marijuana, student arrested, University of Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.