2 call center agent arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 05:55 AM SHARE(S):

Arestado ang dalawang call center agent sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng mga otoridad sa Quezon City.

Unang ikinasa ang buy-bust ng mga tauhan ng station 7 ng Quezon City Police District sa Cubao laban sa isang suspek.

Nagawang makabili ng poseur buyer ng shabu mula sa suspek at nang arestuhin ay nakuhanan pa siya ng 100 gramo ng shabu nagkakahalaga ng P12,000.

Ayon sa mga pulis, gamit ang social media ay nakikipagtransaksyon sa kaniyang mga parokyano ang suspek.

Samantala, sa hiwalay na operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng Batasan Police station ay naaresto din ang isa pang call center agent.

Dinakip ang suspek sa Barangay Batasan Hills alas 11:30 ng gabi ng Martes (Sept. 10).

Ito ay makaraang mabilihan siya ng poseur buyer ng P200 halaga ng illegal na droga.

Nakatakas naman ang dalawang kasamahan ng suspek.

TAGS: Batasan Hills, buy bust operation, call center agents, Cubao, quezon city, War on drugs, Batasan Hills, buy bust operation, call center agents, Cubao, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.