Azkals wagi kontra Guam sa 2022 FIFA World Cup qualifiers

By Rhommel Balasbas September 11, 2019 - 05:46 AM SHARE(S):

Hindi man pinalad sa FIBA World Cup ang bansa, umaarangkada naman ang Philippine national football team para sa 2022 FIFA World Cup.

Ito ay matapos magwagi ang Azkals kontra Guam sa iskor na 4-1 sa laban sa Guam FA Training Center araw ng Martes.

Ito ang unang panalo ng Azkals sa qualifying round at pagbawi mula sa pagkatalo sa Syria noong nakaraang linggo sa iskor na 2-5.

Kapwa naka-iskor ng goal sina Angel Guirado at Patrick Reichelt sa first half ng laban.

Nagpamalas din ng tig-isang goal sina Staphan Schrock at Patrick Strauss dahilan para hindi na makabawi pa ang Guam.

Susunod na makakalaban ng Azkals ang China sa October 15 sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

TAGS: Azkals, FIFA, FIFA World Cup, Guam, Azkals, FIFA, FIFA World Cup, Guam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.