Full closure ipatutupad sa northbound lane ng Bocaue River Bridge sa NLEX

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2019 - 05:43 AM SHARE(S):

Isasailalim sa full closure ang northbound lane ng Bocaue River Bridge sa North Luzon Expressway (NLEX) simula mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.

Ito ay para bigyang daan ang huling bahagi ng rehabilitasyon ng nasabing tulay.

Sa abiso ng Metro Pacific Tollways, magsisimula ang closure alas 8:00 ng gabi mamaya (Sept. 11) hanggang alas 5:00 ng umaga bukas (Sept. 12).

Gagawing gabi-gabi ang pagsasara hanggang sa Sept. 14.

Ayon sa abiso, magsasagawa ng concrete pouring at curing sa tulay.

Magpapatupad naman ng counterflow sa southbound lang Bocaue Bridge sa kasagsagan ng closure.

Dahil dito, ang apat na linya ng southbound ng tulay ay hahatiin, ang dalawang linya ay gagawing northbound at ang dalawa ay southbound.

TAGS: bocaue bridge, NLEX, northbound lane, Radyo Inquirer, road closure, bocaue bridge, NLEX, northbound lane, Radyo Inquirer, road closure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.