Halos P1M halaga ng shabu nasabat sa Marikina

By Rhommel Balasbas September 11, 2019 - 05:20 AM SHARE(S):

Nakumpiska ng Marikina Police ang P952,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Tumana, Marikina, Martes ng gabi.

Timbog ang isang pusher na nakuhaan ng 140 grams ng shabu sa sling bag sa loob mismo ng kwarto nito.

Ayon sa pulisya, isinilid pa ang ilan sa mga droga sa sachet ng kape.

Depensa ng suspek, hindi talaga siya nagtutulak ng droga at kinailangan lamang niyang maghanap ng bagong hanapbuhay dahil apektado siya ng kampanya ng pamahalaan sa road obstructions.

Nagtatrabaho anya siya bilang sidewalk vendor.

Ang suspek umano ang supplier ng droga sa baranggay.

Samantala, timbog din ang 52-anyos na babae na nagsisilbing runner ng suspek.

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, Marikina City, Radyo Inquirer, War on drugs, buy bust, Marikina City, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.