Pangulong Duterte bilib kay Mayor Isko: ‘Mas mahusay siya kaysa sa akin’

By Rhommel Balasbas September 11, 2019 - 04:58 AM SHARE(S):

Nagpahayag ng paghanga si Pangulong Rodrigo Duterte kay Manila Mayor Isko Moreno at sinabing mas mahusay ang bagong alkalde ng kabisera ng bansa kaysa sa kanya.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ng pangulo na nanonood siya sa mga mga talumpati ni Moreno at nakikita niyang mas mahusay ang paraan ng pamumuno nito kaysa sa kanya.

”Bilib ako sa kanya. Nanonood ako kung nagsasalita siya, mas mahusay ang resolve siya kaysa sa akin, sa totoo lang,”ayon sa pangulo.

Magugunitang naging laman ng mga balita si Moreno ilang araw pa lang nang maupo sa pwesto dahil sa malawakang cleanup operations nito sa lungsod.

Pinaigting din ng alkalde ang kampanya kontra kriminalidad at iligal na dorga.

Tinalo ni Moreno si dating Pangulong Joseph Estrada sa nagdaang halalan.

 

TAGS: bilib, mahusay, mas magaling, Mayor Isko Moreno, Pangulong Rodrigo Duterte, bilib, mahusay, mas magaling, Mayor Isko Moreno, Pangulong Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.