Sinibak na pinuno ng Pasig River Rehabilitation Commission suportado pa rin si Duterte

By Rhommel Balasbas September 11, 2019 - 04:52 AM

Mananatili ang suporta ni Jose Antonio E. Goitia kay Pangulong Rodrigo Duterte kahit na sinibak siya bilang Executive Director ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).

Sa kanyang pahayag sa Facebook Martes ng gabi, ipinaabot ni Goitia ang kanyang pasasalamat sa presidente para sa pagkakataong ibinigay para manungkulan sa ahensya.

Pinasalamatan din ni Goitia ang mga kawani ng PRRC na buo ang naging suporta sa programa ng pangulo upang maisaayos at mapaganda ang Pasig River system.

Sa talumpati sa Malacañang Martes ng hapon, sinabi ng pangulo na sinibak niya si Goitia dahil ipinamamalita nito sa tao na itatalaga siya bilang Customs collector.

“He’s telling people he will be appointed Customs collector, and already was collecting,” ani Duterte.

Nagbabala pa ang presidente na itatapon sa Pasig River si Goitia para tumaba lalo ang mga tilapia.

“Tinalian ko muna ng angkla. Ihulog koi tong p***** sa Pasig River para tumaba lalo ang mga tilapia,” dagdag ng pangulo.

Sinabi pa ni Duterte na may isa pang opisyal ang sisibakin sa pwesto na humahawak naman ng isang economic office.

 

TAGS: Customs collector, Jose Antonio E. Goitia, Pasig River Rehabilitation Commission, sinibak, suporta, Customs collector, Jose Antonio E. Goitia, Pasig River Rehabilitation Commission, sinibak, suporta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.