M4.0 na lindol tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental alas-2:46 madaling-araw ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 18 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim itong 30 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang pagyanig sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III – Alabel, Sarangani

Intensity II – General Santos City

Intensity I – Tupi, South Cotabato; Kiamba, Sarangani

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...