Duterte igagalang ang SC ruling sa poll protest ni Marcos vs. Robredo

By Rhommel Balasbas September 11, 2019 - 04:33 AM

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na igagalang ang desisyon ng Korte Suprema sa poll protest na inihain ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon sa pangulo, kung si Robredo ang ideklarang tunay na panalo ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ay susundin ito.

“We will just follow the law. If the Electoral Tribunal says Robredo is the rightful occupant, then we will just have to follow the final order of the Supreme Court,” ayon sa pangulo.

Ang pahayag ng pangulo ay matapos ianunsyo ng Korte Suprema na tumatayong PET na tapos na ang ballot recount at revision sa tatlong pilot provinces na nasa electoral protest ni Marcos.

Magugunitang noong nakaraang taon sinabi ni Duterte na magbibitiw siya sa pwesto sakaling ang papalit sa kanya ay mga kahalintulad nina Chiz Escudero at Bongbong Marcos.

Kapwa tinalo ni Robredo sina Escudero at Marcos sa 2016 presidential elections.

 

TAGS: dating Senator Bongbong Marcos, igagalang, korte suprema, pet, poll protest, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, dating Senator Bongbong Marcos, igagalang, korte suprema, pet, poll protest, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.