Sa ulat ng pulisya, huli sa aktong nangongolekta ng taya ang mga suspek na sina Avelina Villanueva, sisenta y singko anyos; Luminada Piñera, sisenta y singko anyos; Nerissa Estoque, benta syete anyos; at Oscar Semilla Jr., kwarenta y kwatro anyos.
Nahuli ang mga suspek sa bahagi ng Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City bandang alas nuwebe, Lunes ng gabi.
Ayon sa pulisya, nabigong magpakita ng ID mula sa lisensyadong STL operator sa probinsya na Pirouette Gaming Corporation.
Nakuha sa mga suspek ang ilang bet collection form, perang ginamit na taya at ilang kagamitan.
MOST READ
LATEST STORIES