6 na iligal na kolektor ng STL arestado sa Quezon

By Angellic Jordan September 11, 2019 - 04:15 AM SHARE(S):

Arestado ang hindi bababa sa anim na hinihinalang bet collectors ng Small Town Lottery (STL) sa Quezon province.

Sa ulat ng pulisya, huli sa aktong nangongolekta ng taya ang mga suspek na sina Avelina Villanueva, sisenta y singko anyos; Luminada PiƱera, sisenta y singko anyos; Nerissa Estoque, benta syete anyos; at Oscar Semilla Jr., kwarenta y kwatro anyos.

Nahuli ang mga suspek sa bahagi ng Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City bandang alas nuwebe, Lunes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nabigong magpakita ng ID mula sa lisensyadong STL operator sa probinsya na Pirouette Gaming Corporation.

Nakuha sa mga suspek ang ilang bet collection form, perang ginamit na taya at ilang kagamitan.

 

 

 

 

TAGS: arestado, kolektor, Quezon, STL, arestado, kolektor, Quezon, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.