Carla Abellana at Tom Rodriguez magpapatayo na ng ‘dream house’

By Len Montaño September 11, 2019 - 03:31 AM SHARE(S):

Nakatakdang magpatayo na ng kanilang “dream house” ang showbiz couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Hindi lang sa pelikula ang teamwork ng magkasintahan dahil maski sa tunay na buhay ay ginagawa nila ito.

Si Carla ang bumili ng lote para sa kanilang magiging bahay habang sagot ni Tom ang mga gastos sa pagpapatayo ng bahay.

Ayon sa aktres, ang dream house nila ni Tom ay contemporary at classic ang theme sa labas habang sa loob ay may pagka-American style.

Nais ng dalawa ang apat na kwarto, may sariling walk-in closet si Carla at workshop o opisina naman kay Tom.

Target nina Carla at Tom na simulan ang construction ng bahay sa susunod na taon o sa 2021.

Bagamat pinaghahandaan na ang kanilang bahay at napag-uusapan na nila ang kasal, wala pang eksaktong plano ang dalawa ukol sa kanilang pag-iisang dibdib.

 

TAGS: American style, Carla Abellana, classic, contemporary, dream house, kasal, magpapatayo, Tom Rodriguez, American style, Carla Abellana, classic, contemporary, dream house, kasal, magpapatayo, Tom Rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.