‘Hospital pass’ ng mga preso, nagagamit sa drug transactions

Screengrab of INQUIRER.net video

Kinukumbinsi na ni Senator Christopher Go ang high profile prisoner na nagsumbong sa kanya ukol sa pang-aabuso sa ‘hospital o medical pass’ ng mga preso sa New Bilibid Prisons.

Ayon ka Go, madalas ay transaksyon sa droga ang naisasagawa gamit ang hospital pass.

Walong mga preso anya at correction officers ang nagkukutsabahan kasama maging mga doktor.

Ayon pa sa senador, hiniling na niyang maimbestigahan ng justice committee, na nag iimbestiga na sa umanoy good conduct time allowance (GCTA) for sale scandal, ang ibinunyag niyang modus sa Bilibid.

Samantala, ayon naman kay Sen. Ronald dela Rosa, na ilang buwang nagsilbing pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor), narinig na niya ang ‘hospital pass for sale.’

Pinaimbestigahan aniya niya ang iskandalo ngunit walang nangyari dahil wala silang nakuhang matibay na ebidensiya at testimoniya.

Pagdidiin pa ni Dela Rosa handa siyang magpabaril kapag napatunayan naman na nakinabang siya sa mga ilegal na transaksyon sa bilibid.

Kaugnay naman sa pagdududa na sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) sa pagkakalusot ng mga kontrabando sa maximum security compound, ipinagdiinan ni Dela Rosa na buo pa rin ang tiwala niya sa mga police commandos.

 

Read more...