P12M halaga ng shabu nakuha sa buy bust sa Cebu City

By Len Montaño September 11, 2019 - 02:52 AM SHARE(S):
CDND Photo/ALVEN MARIE TIMTIM

Arestado ang isang babae matapos itong makuhanan ng P12 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa bahay nito sa Cebu City.

Nakumpiska sa 27 anyos na si Aryan Anne Reyes ang 1.8 kilos ng shabu sa operasyon araw ng Martes.

Ayon sa Dangerous Drugs Board, ang halaga ng droga ay nasa P12,240,000.

Isinagawa ang buy bust ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Visayas, Mambaling Police Station, at City Drug Enforcement Unit (CDEU).

Ayon kay Police Corporal Emmalyn Labating ng Mambaling Police, ang droga na nakuha sa suspek ay nakalagay sa 18 pakete.

Iniimbestigahan kung kabilang si Reyes sa drug group na nag-ooperate sa lungsod.

 

TAGS: 1.8 kilos, arestado, babaeng suspek, buy bust, Cebu City, P12 million, shabu, 1.8 kilos, arestado, babaeng suspek, buy bust, Cebu City, P12 million, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.