LPA sa Silangan ng Visayas naging bagyo na; papangalanang “Marilyn”
Naging tropical depression na ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA sa Silangan ng Visayas.
Sa Tropical Cyclone advisory na inilabas ng PAGASA, alas-2:00 ngayong madaling araw, huling namataan ang bagyo sa layong 1,355 kilometro Silangan ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras.
Nasa labas pa ng Philippine Area of Responsbility (PAR) ang bagyo at halos hindi gumagalaw sa ngayon.
Gayunman, posibleng ngayong araw na rin ito pumasok ng PAR at papangalanang ‘Marilyn’
Sa ngayon ay mababa ang tyansa na tumama sa lupa ang bagyo ngunit ang trough o extension nito ay magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas at Bicol Region.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management councils na abangan ang susunod na update hinggil sa sama ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.