Layon nitong matiyak na madadala agad sa mga ospital ang mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensyong medikal.
Ang plano ay ipinahayag ng pangulo matapos ang ulat ng Agence France Presse na nagsasabing maraming pasyenteng namamatay sa mga ambulansya dahil sa gridlock o malalang trapiko sa Metro Manila.
Ayon sa pangulo, sa mga sitwasyong may emergency, kailangan na ang pag-escort ng MMDA at PNP-HPG.
“I will ask the MMDA and the PNP Highway Patrol Group…pag emergency…pag may sirena, hilahin na lang. That would be mandatory for them,”ayon sa pangulo.
Una nang nahirapan ang pangulo sa pagsagot ukol sa mga tanong kung paano sosolusyonan ang perwisyong dulot ng malalang trapiko sa Metro Manila tulad ng pagkamatay ng mga pasyente sa mga ambulansya.
“Walang sagot riyan. Helicopter siguro, angklahan mo,” giit ng pangulo.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang paggamit sa air assets ng Department of National Defense (DND) ang isa sa mga tinitingnang solusyon sa isyu.
Ani Panelo, maaaring makipag-ugnayan ang Department of Health sa DND para sa paggamit ng choppers o iba pang air assets para dalhin ang mga pasyente sa ospital lalo na sa emergency cases.