Dengue cases sa bansa halos 250,000 na; nasawi umabot na sa 1,021

By Rhommel Balasbas September 11, 2019 - 02:04 AM

Umabot na sa halos 250,000 ang kaso ng dengue sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Sa DOH Media Forum araw ng Martes, sinabi ni Undersecretary Eric Domingo na mula January 1 hanggang August 21, kabuuang 249,332 kaso ng dengue ang naitala kung saan 1,021 ang nasawi.

Ang bilang ay lubhang mas mataas sa 119,224 na naitala sa kaparehong panahon noong 2018 kung saan 622 ang nasawi.

Karamihan sa dengue cases ay mula sa Western Visayas na may 42,694; sinundan ng CALABARZON, 35,136; Northern Mindanao, 18,799; Zamboanga Peninsula, 17,529; at Eastern Visayas, 17,107.

Ayon kay Domingo, bagaman bumababa na ang bilang ng dengue cases sa ‘weekly basis’, 10 rehiyon pa rin ang nananatiling lampas sa epidemic threshold.

Inaasahan ding magkakaroon pa ng pagtaas ng kaso ng sakit pagpasok ng Oktubre at Nobyembre dahil panahon pa rin ito ng tag-ulan.

“We’ve seen that, in the past years, there has been a spike until November, December as long as it is still raining,” ani Domingo.

Iginiit pa ng health official na hindi pa masasabing under control ang sakit at dapat pa ring maging mapagmatyag hanggang sa katapusan ng taon.

Nananatili pa rin ang national epidemic status ayon kay Domingo.

Bagaman nakakapagod, hinikayat ng opisyal ang lahat ng local government units na ipagpatuloy ang kampanya para masugpo ang dengue at matanggal ang lahat ng posibleng pinamumugaran ng mga lamok.

“Ang kailangan kasi araw-araw. Siyempre, minsan naiintidihan naman natin, kahit naman tayo minsan nakakapagod din naman. Kaya lang kasi yung threat ng dengue tuloy-tuloy siya, eh. So kailangan everyday,” ani Domingo.

 

TAGS: Dengue, doh, epidemic threshold, kaso, lamok, mas mataas, nasawi, national epidemic status, tag-ulan, under control, Undersecretary Eric Domingo, Dengue, doh, epidemic threshold, kaso, lamok, mas mataas, nasawi, national epidemic status, tag-ulan, under control, Undersecretary Eric Domingo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.