Tanggapan ni Robredo kinondena ang pag-atake sa imprenta ng Abante News Group
Kinondena ng Office of the Vice President (OVP) ang pag-atake sa printing facility ng Abante News Group sa Parañaque City.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng OVP, na hindi dapat palampasin ang nasabing insidente.
Kasunod nito, hinikayat ng OVP ang gobyerno na agad umaksyon sa insidente para mahuli ang responsable sa nasabing pag-atake.
Ani Gutierrez, makikiisa ang OVP para ipaglaban ang sektor ng pamamahayag.
Naganap ang pagsunog sa printing facility ng Abante sa Parañaque City sa pagitan ng ala una hanggang alas dos, Lunes ng madaling-araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.