Sinibak ng Manila Traffic and Parking Bureau (MPTB) ang 25 parking attendants dahil sa maling paniningil sa mga motorista ng parking fee.
Ayon sa MTPB, bukod sa isyu ng maling bayad sa parking, tinanggal ang mga parking attendants dahil sa hindi pagsusuout ng tamang uniporme, walang tamang identification card at problema sa ugali habang naka duty.
Ang hakbang ay kasunod ng reklamo ng mga motorista kabilang sa social media.
Paglilinaw ng MTPB, ang dapat lamang bayaran ng motorista ay ang kaukulang parking fee na nakalagay sa opisyal na parking ticket na galing sa lokal na pamahalaan.
Pinayuhan din ng bureau ang publiko na huwag tumanggap ng parking ticket kung tumatanggi ang parking attendant na isulat ang tamang halaga.
Ayon sa MTPB, nasa P20 lamang ang dapat bayarang parking fee ng light vehicles gaya ng kotse, jeep, tricycle at motorsiklo sa unang 3 oras at may dagdag na P15 sa susunod na mga oras.
Para naman sa medium vehicles gaya ng van at delivery truck, nasa P30 ang parking fee sa unang 3 oras at may dagdag na P20 sa susunod na mga oras.
Habang ang para sa heavy vehicles gaya ng bus at 10-wheeler truck, ang parking fee ay P60 sa unang 3 oras at may dadag na P40 sa susunod na mga oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.