Duterte: Customs employees na nasa floating status papalitan ng mga taga CSC
Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkuha ng mga taga-Civil Service Commission (CSC) na maaaring pumalit sa mga empleyeado ng Bureau of Customs (BOC) na una nang inilagay sa floating status dahil sa isyu ng korapsyon pati na sa Philippine Coconut Authority board.
Sa talumpati ng pangulo sa awarding ng 2019 Outstanding Government Workers sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na mahirap talagang magkahanap ng isang tapat na empleyado para magsilbi sa bansa.
Dahil dito, inihayag ng pangulo na marami pa siya tatanggalin sa pwesto.
Ayon sa pangulo, sa CSC siya kukuha ng mga papalit sa BOC dahil tiwala siya sa katapatan ng mga tauhan ng CSC.
Ayon pa sa pangulo, maghahanap siya ng listahan ng mga taga-CSC na maaring pumalit sa PSC at PCA board.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.