Duterte binanatan si Robredo sa isyu ng pagtanggap ng regalo ng mga pulis

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo, ngayon naman ay sa isyu ng regalo sa mga pulis.

Sa talumpati ng pangulo sa awarding ng 2019 Outstanding Government Workers sa Malakanyang, binatikos ng pangulo ang umanoy pagsakay ni Robredo sa naturang isyu.

Ito ay tungkol sa kanyang pahayag na pwedeng tumanggap ng regalo ang mga pulis bilang pabuya basta tiyakin lamang na “nominal” ang halaga nito.

Ayon sa pangulo, kapag si Robredo ang naging presidente ng Pilipinas ay patay ang bansa.

Hindi muna anya nagbasa si Robredo ng anti-graft and corrupt practices act bago naglabas ng pahayag ukol sa nasabing isyu.

Binanggit din ni Pangulong Duterte ang pagpuna ni Senador Panfilo “Ping” Lacson pero pinalampas niya ito dahil hindi abogado ang senador.

Read more...