Pulis Maynila na nagligtas sa matandang nahulog sa Pasig River pinarangalan

By Len Montaño September 10, 2019 - 11:55 PM

MPD photo

Binigyan ng parangal ng Manila Police District (MPD) ang isa nilang pulis na sumagip sa isang babaeng matanda na aksidenteng nahulog sa Pasig River sa bahagi ng Mc Arthur Bridge.

Ipinatawag ni MPD director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., ang tauhan nitong nakatalaga sa Traffic Enforcement Unit na si Police Corporal Romeo Balagtas Jr. at personal itong pinarangalan.

Ito ay dahil sa ipinamalas na kabayanihan ni Balagtas nang iligtas nito ang isang lola na nahulog sa Pasig River noong Biyernes.

Si Balagtas ay pinagkalooban ng “Letter of Commendation” at cash gift.

Nagpasalamat ang pulis sa pagkilala sa kanyang ginawa na anyay tawag lamang ng tungkulin at bahagi ng kanyang trabaho bilang alagad ng batas.

TAGS: bayani, Brig. Gen. Vicente Danao Jr., cash gift, Letter of Commendation, matanda, MPD, nagligtas, pasig river, pinarangalan, pulis-Maynila, bayani, Brig. Gen. Vicente Danao Jr., cash gift, Letter of Commendation, matanda, MPD, nagligtas, pasig river, pinarangalan, pulis-Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.