Sison sa arrest warrant: ‘Extradition my foot’
Kinutya ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ang nakatakdang pag-aresto sa kanya ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kasong murder.
Tugon ni Sison sa bantang pag-aresto ng pulisya sa kanya, “Extradition my foot…I am protected by the Refugee Convention and the European Convention on Human Rights.”
Ito ay kasunod ng hakbang ng PNP na magpatulong sa International Criminal Police Cooperation (Interpol) para arestuhin si Sison.
Bukod kay Sison, kasama sa aarestuhin ang iba pang lider ng rebeldeng komunista dahil sa umanoy pagpatay sa sinasabing mga spy noong 1980s.
Naglabas na ang isang korte sa Maynila ng arrest warrant laban sa mga akusado.
Sa online interview sa the Netherlands kung saan ito naka-exile, sinabi ni Sison na walang authority ang gobyerno ng Pilipinas na siya ay arestuhin.
Iginiit ni Sison na siya ay kinikilala bilang political refugee.
Wala anyang extradition treaty ang Pilipinas at the Netherlands kaya imposible umanong mapabalik siya sa bansa.
Posible anyang ibasura ng the Netherlands ang anumang tangka ng pamahalaan ng Pilipinas na arestuhin siya.
Binanggit pa ni Sison na may pangit na reputasyon ang administrasyong Duterte dahil sa umanoy paglabag sa karapatang pantao at anyay pagiging “mass murderer.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.