Ayon kay Police Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nahuli ang mga suspek matapos positibong makabili ng shabu ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer sa operasyon.
Isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Jacob Street sa Barangay Bagumbayan Sur bandang alas onse singkwenta ng gabi.
Nakilala ang mga suspek na sina Noemi Iglesia, 27 anyos na isang guro mula sa pampublikong paaralan; Julius San Vicente, 27 anyos; at Bien Patrick Pasibe, 23 anyos.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Â
MOST READ
LATEST STORIES