Higit 1,000 MILF members sumuko sa gobyerno

By Noel Talacay September 10, 2019 - 10:53 PM

FILE PHOTO/JEOFFREY MAITEM

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroong 1,060 na mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang bagong sumuko sa gobyerno.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ito ang ikalawang bahagi ng decommissioning ng MILF combatants at weapons.

Maliban dito, sinabi rin ni Año na nasa 960 na mga iba’t bang klase ng baril ang kanilang isinuko.

Pinuri ng kalihim ang MILF dahil ang hakbang ay nagpapakita ng totoo at pagiging tapat sa peace agreement sa pagitan ng MILF at gobyerno.

Umaasa naman si Año na magpapatuloy ito para tuluyan nang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Una rito ay sumuko ang mga armadong grupo ng MILF kasama ang kanilang kagamitan pandigma sa Sultan Kudarat, Maguindanao kasabay ng pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month.

 

TAGS: combatants, decommissioning, DILG Secretary Eduardo M. Año, MILF, National Peace Consciousness Month, peace agreement, sumuko, weapons, combatants, decommissioning, DILG Secretary Eduardo M. Año, MILF, National Peace Consciousness Month, peace agreement, sumuko, weapons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.