Gusali sa St. Paul College QC nasunog

Sumiklab ang sunog sa isang building sa St. Paul College compound sa Quezon City, Martes ng hapon.

Naganap ang sunog sa gusali sa bahagi ng Barangay Mariana sa Aurora Boulevard.

Napaulat na umabot sa unang alarma ang sunog bandang 4:52 ng hapon.

Maliban sa mga bumbero, rumesponde rin sa sunog ang ilang tauhan ng Philippine Red Cross (PRC).

Mabilis namang naging kontrolado ang sunog sa lugar.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog at halaga ng kabuuang pinsala sa lugar.

 

Read more...