Lalaki patay sa sunog sa Germany

By Angellic Jordan September 10, 2019 - 10:33 PM SHARE(S):

Patay ang isang 77-anyos na lalaki sa sumiklab na sunog sa isang hospital sa Duesseldorf, Germany.

Batay sa ulat ng mga otoridad sa lugar, naganap ang sunog sa Marien Hospital sa Kanlurang bahagi ng Duesseldorf.

Dahil dito, nasa 19 katao ang nasugatan kung saan pito ang nagtamo ng matinding injuries.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung ano ang sanhi ng sunog.

 

TAGS: Germany, lalaki, Marien Hospital, patay, sunog, Germany, lalaki, Marien Hospital, patay, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.