Pagsuspinde ng Ombudsman sa 27 opisyales ng BuCor, welcome sa Malakanyang
Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang pagsuspinde ng anim na buwan ng office of the Ombudsman sa dalawampu’t pitong opisyal ng Bureau of Corrections.
Sinuspinde ng Ombudsman ang mga opisyal ng BuCor na nahaharap sa kasong grave misconduct dahil sa pagpapalaya sa mga preso na may karumal dumal na krimen sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpasa sa Ombudsman na imbestigahan ang mga opisyales ng BuCor.
Ayon kay Panelo, umaasa ang palasyo na lalabas ang katotohanan sa isyu at matatanggal sa serbisyo ang mga dapat na matanggal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.