Mala-air ambulance ang nakikitang solusyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ulat na maraming pasyente na ang namamatay sa kalsada dahil sa matinding trapik at hindi maayos na implementasyon ng special lanes para sa emergency vehicles.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaaring makipag ugnayan ang Department of Health sa Department of National Defense sa posibilidad na magamit ang chopper o iba pang air assets sa pagdadala ng mga pasyente sa ospital.
Maaari rin aniyang humirit ang DOH ng dagdag pondo sa national budget sa susunod na taon.
Pero paglilinaw ni Panelo, maaaring gamitin lamang ang air assets kapag emergency cases lamang.
Ayon kay Panelo ang paggamit ng air assets ng DND ang maaaring isa sa mga solusyon habang hindi pa pinagkakalooban ng kongreso ng emergency powers si Pangulong Duterte para masolusyunan ang problema sa trapiko.