Isinagawa ngayong araw sa Camp Crame sa Quezon City ang tradisyonal na New Year’s Call sa hepe ng pambansang pulisya.
Ginanap ang New Year’s Call sa Multipurpose Hall ng kampo sa pangunguna ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez.
Lahat ng mga ranking officers at senior officers, mga Commanders, Directorial staff, at District Directors ay dumating suot ang kanilang gala uniform.
Kasama rin sa pormal na pagtitipon ang asawa ng mga opisyal, na naka-pormal dign kasuotan.
Ang tradisyonal na New Year’s call ay bahagi ng pagpupugay at pagsuporta sa kasalukuyang liderato ng PNP.
MOST READ
LATEST STORIES