Pagkakaroon ng emergency power dahil sa trapik, iginiit ng DOTr

By Erwin Aguilon September 10, 2019 - 08:18 PM

Kuha ni Jan Escosio

Nanindigan si Transportation Secretary Arthur Tugade na kailangan ng emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte upang masolusyunan ang matinding trapiko.

Nilinaw nito na tatagal lamang ang emergency powers na hinihingi sa Kongreso ng isa hanggang dalawang taon.

Hindi rin aniya maalis ang oversight function ng Kongreso dito.

Samantala, pumalag ang ilang mga netizen sa sinasabing pagiging unfair ni Senator Grace Poe sa pagdinig ng Senate committee on public services.

Ito’y makaaang hindi bigyang pansin ang inihandang powerpoint presentation ng DOTr.

Tila handa na anila ang summation ni Poe hindi pa man nagsisimula ang hearing.

Hindi rin nabigyan ng sapat na panahon si Tugade para sumagot sa mga banat ng senadora.

Sinabi ng senadora sa pagdinig na palusot lang ang kawalan ng emergency power kaya walang nagawa sa traffic.

Pero nilinaw ng kalihim na marami silang nagawa at mas marami pa sana kung merong emergency power.

TAGS: dotr, emergency powers, sen grace poe, Senate, traffic, dotr, emergency powers, sen grace poe, Senate, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.