ASF sa mga baboy kontrolado na ayon sa Department of Agriculture
Inihayag ng Department of Agriculture na kontrolado na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Ito ay isang araw matapos ianunsiyo na nagpositibo sa ASF ang labing-apat sa dalawampung blood samples ng baboy na pinasuri sa United Kingdom.
Sa isang panayam, sinabi ni Noel Reyes, tagapagsalita ng DA, na ‘contained’ na ang ASF sa bansa dahil na-disinfect na aniya ito.
Patuloy naman aniyang tinututukan ng DA ang ilang lugar kung saan napaulat ang hindi pangkaraniwang pagkamatay ng mga baboy.
Ang outbreak ng ASF sa mga baboy ay naitala sa ilang bansa sa Asya gaya ng Vietnam, Laos at China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.