P4.1 Trillion 2020 proposed national budget hinihimay na sa Kamara
Nagsimula na ang deliberasyon ng mga kongresista sa plenaryo para panukalang P4.1 Trillion 2020 national budget.
Si House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab nag- sponsor ang House Bill 4228 o ang General Appropriations Bill.
Unang tatalakayin ang general principles and provisions ng pambansang pondo na dedepensahan ng Development Budget Coordination Committee.
Binubuo ito ng Department of Finance, Department of Budget and Management at National Economic and Development Authority.
Una nang tiniyak ni Ungab na alinsunod sa utos ni Speaker Alan Peter Cayetano, walang pork at ‘insertions’ ang 2020 budget.
Target ng Mababang Kapulungan na matapos ang plenary debates hinggil sa budget sa September 20 at maaprubahan ito sa ikatlo at pinal na pagbasa bago ang session break sa October 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.