Malacanang: Hustisya naibigay na sa Pinay OFW na pinatay at inilagay sa freezer sa Kuwait
Welcome sa Malacanang ang naging hatol ng Syrian court kay Mona Hassoun, ang employer na pumatay at naglagay sa freezer sa bangkay ng overseas Filipina worker na si Joana Demafelis sa Kuwait.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, patunay ito na nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Demafelis.
Nabatid na nahatulan sa kasong murder si Hassoun habang nahaharap naman sa kasong murder sa Lebanon ang kanyang asawang Lebanese na si Nader Essam Assaf.
Nanirahan sa Kuwait ang mag-asawa kung saan pinatay ang kanilang kasambahay na ofw na si demafelis kung isaan inilagay pa sa freezer ang kanyang bangkay sa loob ng isang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.