Seguridad sa Mindanao mas lalo pang hinigpitan dahil sa banta ng terorismo

Photo: Radyo Inquirer

Inatasan na ng Malacanang ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang security forces na paigtingin ang pagpapatupad ng seguridad at intelligence gathering sa Mindanao region.

Pahayag ito ng palasyo matapos ang suicide bombing sa 35th Infantry Battalion Detachment sa Indanan, Sulu noong Linggo.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, nababahala ang palasyo sa ulat na mayroon pang suicide bomber ang hinahanap ngayon.

Ipinaliwanag ng oisyal na palaging nag-aalala ang palasyo kapag may naiuulat na tumataas ang banta sa terorismo.

Umaasa si Panelo na bukod sa mahigpit na seguridad, dagdagan pa ng AFP at PNP ang kanilang mga devices para makontra ang banta ng terorismo.

Aminado rin ang kalihim na mahirap makontra ang mga suicide bomber.

Una nang sinabi ng AFP Western Mindanao Command (Westmincom) na isang babaeng Caucasian-looking ang suicide bomber sa Indanan, Sulu.

Read more...